Arestado ng Bureau of Immigration ang aabot sa apatnaraang indibidwal na pinaniniwalaang illegal aliens na sangkot sa POGO operations at scamming activities sa Paranaque City.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, malinaw ang kautusan ng Pangulo na total pogo ban kaya’t sinumang susuway ay maaaresto at ipapa-deport.
Bahagi aniya ang operasyon ng mas pinaigting na pagsisikap laban sa iligal na aktibidad upang matiyak na lahat ng foreign nationals sa bansa ay sumusunod sa batas.
Sumasailalim na sa booking proceedings ang mga naturang indibidwal at pansamantalang pangangasiwaan ng ahensya habang naghihintay ng deportation proceedings. – Sa panulat ni Laica Cuevas