Halos 400 na ang patay habang daan-daang iba pa ang sugatan sa pagtama ng lindol at tsunami sa Sulawesi island, Indonesia.
Ayon sa National Disaster Agency, nasa 384 na ang naitala nilang bilang ng mga nasawi pero pinangangambahang madaragdagan pa ito sa mga susunod na oras habang nagpapatuloy pa ang kanilang rescue efforts.
Magugunitang niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang Palu na tahanan ng mahigit tatlong daang libong tao bago rumagasa sa lungsod ang dambuhalang tsunami.
Pinaniniwalaan ding maraming namatay sa lungsod ng Donggala na katabi lamang ng Palu.
Pahayag ni Sutopo Purwo Nugroho, tagapagsalita ng disaster agency, hindi kaagad nakatakbo ang mga tao sa mga beach dahil abala ang mga ito sa kanilang mga aktibidad.
Sinasabing tinamaan din ng tsunami ang Palu noong 1927 at 1968.
Mga Pilipinong naninirahan sa Indonesia, nananatiling ligtas ayon sa DFA
Walang Pilipinong napabilang sa mga nasawi o nasaktan sa magnitude 5.7 na lindol at tsunami sa Indonesia.
Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs kasunod ng insidente sa naturang bansa kung saan halos 400 ang nasawi.
Batay sa impormasyon mula kay ambassador to Indonesia Leehiong Wee, may iisang Pilipino na nasa Palu City ngunit ligtas naman aniya ito.
Nabatid na nakakulong ang naturang Pinoy dahil sa isang kaso.
Kasabay nito, nagpa-abot naman ng pakikiramay at dasal ang Pilipinas sa pamilya ng mga nasawi.
#UPDATE Nearly 400 are killed when a powerful quake sends a tsunami barrelling into the Indonesian island of Sulawesi as hospitals struggle to cope with hundreds of injured https://t.co/AHkjjyPIU3 pic.twitter.com/8rlwpQjueF
— AFP news agency (@AFP) September 29, 2018