Halos 400 na lugar sa apat na rehiyon ang lumubog sa baha dahil sa mga pag ulan bunsod ng habagat na pinalakas ng bagyong Hanna.
Ayon sa NDRRMC, 213 ang binahang lugar mula sa Central Luzon, 153 sa Metro Manila, apat (4) sa Bicol Region at isa sa CALABARZON.
Subalit ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, humupa na ang baha sa 126 na lugar.
Bukod sa mga pagbaha, napaulat din ang pagguho ng perimeter wall sa Taal National High School sa Batangas matapos ang landslide noong Sabado.
Ipinag utos na ni Jalad sa lahat ng unit heads ng Regional DRRMO’s sa Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at NCR na patuloy na bantayan ang nasasakupan at tiyakin naipapakalat ang impormasyon hinggil sa lagay ng panahon.