Halos Apat na raang lugar sa bansa, hindi nakasali sa 2nd Round Vaccination Drive dahil sa Bagyong Odette
Hindi nakasama sa ikalawang bugso ng Bayanihan, Bakunahan ang halos 400 lugar sa bansa bunsod ng pananalasa ng Bagyong Odette sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje, 388 o 2.65% ng kabuuang 1,634 lugar na Venue ng bakunahan ang kasalukuyang apektado ng bagyo kung saan, nasa kabuuang 953, 624 na indibidwal ang nabakunahan nito lamang December 15.
Nangunguna sa mga lugar na nagpaturok na ng bakuna ay ang CALABARZON na may 187,000 doses, sinundan ng Central Luzon na may 168,000 doses at ilocos na may 66,000 doses na naiturok.
Sa ngayon, planong isama ng DOH sa December 20 hanggang 22 ang mga lugar na hindi nakasama sa 2nd Round Vaccination Drive. —sa panulat ni Angelica Doctolero