Makakauwi na sa Lunes, Abril 17, ang halos 400 OFW mula sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ayon kay Labor Sec. Sylvestre Bello III, kabilang dito ang mga Pilipinong nakinabang sa amnesty program ng pamahalaan ng Saudi, at yuong mga tumakas mula sa kanilang mga amo at kinupkop ng bahay – kalinga.
Sinabi ni Bello na 200 sa mga naturang OFW ang isasakay sa eroplanong mula sa pamahalaan ng Saudi.
By: Katrina Valle / Aileen Taliping