Halos 400 pamilya mula sa Patikul, Sulu ang lumikas sa kanilang mga bahay.
Sa gitna na rin nang patuloy na pagtugis ng militar sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nasa likod nang pag-atake sa Jolo Cathedral.
Ayon sa report, ang mga nasabing pamilya ay nakahanap nang matitirhan sa mga kalapit na bayan ng Jolo at Indanan.
Nabatid na 10 marine, army at police battalions ang ipinakalat para tugisin ang 300 bandido na umano’y nag-ooperate sa bayan ng Patikul.
Lumarga na rin ang marine special operations group sa mga isla ng Jolo at nagsagawa ng clearing operations dahil sa report na namataan sa lugar ang ilang miyembro ng ASG.
Sinabi ni Col. Armel Tolato, Philippine Marine Ready Force Sulu commander, na wala pa namang nakukuhang bandido ang mga nasabing team sa patuloy na paggalugad sa mga island communities.