Halos 400 pulis ang nag positibo sa paggamit ng iligal na droga mula nang magsimula ang kampanya kontra droga ng Duterte Administration.
Ayon sa Internal Affairs Service (IAS), 378 kaso ay na resolba na at nasibak na ang mga sangkot na pulis at lima (5) naman ang namatay na bago madesisyunan ang kaso.
Walong (8) kaso rin ng non-uniformed personnel ang naipasa na sa Directorate for Investigation and Detective Management habang ang natitirang limang (5) kaso ay nananatiling pending o nakabitin.
Samantala, ipinabatid ni PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na mayroon silang hawak na mahigit 4,000 administrative cases kung saan halos 4,000 rito ay naresolba na.