Iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang pagkabulok ng halos 400 mga sako ng bigas na laan para sa mga biktima ng bagyo sa Antique.
Ayon kay NFA Western Visayas Manager Rex Estoperez, hindi maaaring isakripisyo ang kalusugan ng mga tao kaya mas makabubuting i-dispose na lamang ito.
Posibleng ipakain na lamang ang mga bigas sa mga hayop, gawing composite o kaya naman ay tuluyang itapon.
Nakatago sa dalawang banyo ng Evelio B Javier Sports Complex sa San Jose ang naturang mga bigas simula pa noong nakaraang taon.
Nagtuturuan umano sina dating Governor Ezequiel Javier at incumbent governor Rhodora Cadiao sa kung sino ang responsible sa pagkabulok ng naturang sako-sakong bigas.
By Rianne Briones
(Not the actual photo)