Halos 4,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Auring.
Ipinabatid ng Philippine Coastguard na nasa kabuuang 3, 855 individuals ang stranded gayundin ang 67 barko, isang motor banca at 1, 602 rolling cargoes.
Ayon sa Coastguard, pinakamarami ang stranded sa Eastern Visayas na may 2, 154 passengers na sinundan ng Eastern Mindanao na may 780 passengers stranded, 473 sa Central Visayas, 379 sa Western Visayas at 47 sa Northern Mindanao.
Nag take shelter naman anito ang 64 na barko at apat napung motorbanca para makaiwas sa hagupit ng Bagyong Auring.
Kasabay nito tiniyak ni Coastguard Spokesman Captain Armand Balilo ang kahandaan ng coast guard deployable response groups sakaling kailanganin para sa evacuation at rescue operations.