Dumating sa Pilipinas ang halos 400,000 doses ng Pfizer-biontech COVID-19 vaccine.
Lumapag ang eroplang may dala ng 391,950 doses ng Pfizer vaccines sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dakong 10p.m nitong miyerkules.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ipapamahagi ang naturang bakuna sa region 3 at 4.
Sa ngayon aabot na sa halos 70 milyong doses ng bakuna ang dumating sa bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico