Aabot sa mahigit 358 pamilya sa Central Visayas na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette, ang hindi pa rin nakatatanggap ng P5,000 ayuda mula sa gobyerno.
Batay ito sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Region 7.
Sa nasabing tala, halos 200 ang nagmula sa Cebu, halos 13,000 sa Negros Oriental at mahigit 4,000 sa Siquijor.
Ang pagkaantala ng paglalabas ng pondo ay dahil sa hindi sapat na perang ibinibigay ng pamahalaan.
Sa ngayon, maliban sa mga hindi pa nabibigyan ng ayuda, pumalo naman sa halos 500 pamilya ang nakatanggap ng P5,000 tulong sa Central Visayas.
Sa ilalim ito ng assistance for individuals in crisis situations program ng DSWD.