Halos 41% ng P11.2-B na cash aid para sa mga naapektuhan ng ECQ sa Metro Manila ang naibigay na ng DILG.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mahigit 4.5-M indibidwal na ang nakinabang sa nasabing ayuda na tuluy-tuloy pa rin namang ipinamamahagi ng gobyerno sa pamamagitan ng LGUs.
Ipinabatid ni Año na kabilang sa mga nakakuha na ng malaking porsyento ng ayuda ang Caloocan – 59.78%, San Juan – 56.51%, Mandaluyong-55.22%, Taguig – 53.41% at Makati – 51.48%.
Pinapurihan ni Año ang NCR LGUs sa maayos na pamamahagi ng ayuda.
Sa ilalim ng mga panuntunan, ang NCR ay mayroong 15 araw para makumpleto ang ayuda o hanggang sa Agosto 25, limang araw matapos ang pinaiiral na ECQ.