Aminado si DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na hamon pa rin sa kanila na maabot ang daily vaccination target sa inilunsad na ‘Pinaslakas’ campaign.
Batay sa datos hanggang nitong Agosto 7, nasa 441,995 booster shots pa lamang ang na-administer, at 750,407 ang naiturok mula Hulyo 6 hanggang Hulyo 25.
Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na wala silang planong ibaba ang target sa Pinaslakas campaign na inumpisahan noong July 26, kung saan layon nitong makapagbigay ng booster shots sa mahigit 400,000 individuals kada araw upang makamit ang 23.8 milyong target sa Oktubre 8.
Ayon pa kay Vergeire, pinaiigting na nila ang information campaign upang mahikayat ang publiko na magpa-booster na.