Nasimulan na ng halos 45-M Pinoys ang pag proseso sa kanilang National ID.
Ayon ito kay NEDA Director General Karl Kendrick Chua kung saan hanggang nitong Setyembre 3 ay nakapagparehistro na ang mahigit 41 pinoys sa Step 1 o Demographic Data Collection.
Nasa mahigit 28-M Pinoys naman ang nakakumpleto na ng Step 2 registration o Biometrics habang nasa halos 1.6-M ang nakatanggap na ng kanilang Phil ID Cards.
Target ng gobyerno na makapag parehistro pa ng 50 hanggang 70-M individuals para sa National ID bago matapos ang taong ito.