Halos apatnaraan limampu (450) pang gambling addicts o sugarol ang pinagbawalan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na pumasok sa mga casino.
Ito, ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo, ay upang maiwasang maulit ang kahalintulad na insidente ng pamamaril at panununog sa Resorts World Manila, sa Pasay City na ikinasawi ng tatlumpu’t walo (38) katao kabilang ang suspek na si Jessie Carlos, dating empleyado ng Department of Finance o DOF.
Kabilang anya si Carlos sa mahigit 450 sugarol na binigyan ng “player exclusion order” simula March 27, 2017 hanggang March 26, 2018 at nasa national database of restricted persons ng PAGCOR.
Batay sa family exclusion application form na inihain ng biyuda ni Carlos na si Maria Angelita noong March 15, pinagbawalan ang suspek na maglaro sa mga casino partikular sa Resorts World, City of Dreams at Solaire sa Parañaque City.
Mahigpit na ipinatutupad ng PAGCOR ang code of practice for responsible gaming sa lahat ng kanilang ino-operate na gaming area upang maiwasan ang pagkalulong sa sugal.
By Drew Nacino
Halos 450 gambling addicts banned sa mga casino was last modified: June 6th, 2017 by DWIZ 882