Aabot na sa halos apatnaraan limampu (450) ang patay sa mahigit isang buwang bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at ISIS-Maute Group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman, Brig. General Restituto Padilla, kabilang sa nadagdag ay mula sa hanay ng militar habang pinakamarami ang nalagas sa panig ng kalaban.
Aminado naman si Padilla na hindi pa nila matiyak ang sitwasyon ng mga bihag ng teroristang grupo kabilang ang Vicar-General ng Marawi na si Father Chito Suganob.
By Drew Nacino / Todong Nationwide Talakayan (Interview)
Halos 450 katao patay sa mahigit isang buwang bakbakan sa Marawi was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882