Umabot sa halos 4,000 mga baboy ang isinailim sa culling sa Cagayan Valley simula nuong Enero hanggang kasalukuyan ng taon dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA Regional Technical Director Dr. Robreto Busaña, 1,050 ang kabuuang bilang ng mga magbababoy na naapektuhan ng African Swine Fever ngayong taon.
Gayunman bahagyang humupa aniya ang pagtama ng asf sa mga baboy ngayon kumpara sa mga nakalipas na linggo.
Kaugnay nito nanawagan ang ahensya ng re-population ng mga alagang baboy sa lahat ng probinsya sa Region 2 na hindi apektado ng ASF.