Umaabot na sa 4 na milyong baboy ang nawala sa Luzon dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa Samahang Industriya Ng Agrikultura (SINAG) ito rin ang dahilan kung bakit halos sumisipa na sa P300 kada kilo ang presyo ng baboy sa Luzon.
Kaugnay nito, iminungkahi ni SINAG Chair Rosendo So na makabubuti kung mapadala ng Department of Agriculture ang 30% ng mga baboy sa Visayas at Mindanao para mabalanse ang suplay at hindi imports at frozen pork na lamang ang aasahan sa Luzon.
Samantala, inamin naman ni Bureau of Animal Industry Executive Director Ronnie Domingo na patuloy na kumakalat ang ASF sa bansa.