Halos 50 pasahero at crew ng lumubog na motor banca ang narescue ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Calbayog, Samar.
Kahapon, hindi kinaya ng M/B Mia Romcis ang malakas na ulan at malalaking alon sa katubigang sakop ng Barangay Aguit-itan, may 100 metro ang layo sa Port of Calbayog.
Halos kalahati na ng bangka ang nakalubog sa dagat bago ito nasaklolokhan.
Patungo sana sa Tagapul-an sa Western Samar ang motor banca nang mangyari ang insidente.