Halos limampung (50) light rail vehicles (LRVs) para sa MRT-3 ang hindi pa magagamit sa susunod na tatlong taon.
Ayon ito kay transportation undersecretary Cesar Chavez dahil walang signaling system ang mga nasabing Dalian train na nagkakahalaga ng 3.8 billion pesos.
Sinabi ni Chavez na nasa tanggapan pa niya ang billing para sa mga nasabing LRVs at hindi pa aniya nila ito binabayaran.
Kahit pa maayos ang signaling system, inihayag ni Chavez na utos ni transportation secretary Arthur Tugade na huwag gamitin ang mga naturang LRVs kung walang international independent party certificate.
Hindi aniya magagamit ng mga pasahero ang mga naturang LRVs dahil sa kontrata noong nakalipas na administrasyon na nagsasabing animnapung (60) lumang tren ang dapat gumana sa peak hours.
Ang mga LRVs ay binili sa dalian locomotive and rolling stock company ng china sa halagang 3.8 billion pesos at parehong halaga rin ang kontrata para sa maintenance ng mga nasabing tren sa Korean Firm Busan Universal Rail Incorporated.
By Judith Estrada-Larino
Halos 50 light rail vehicles para sa MRT-3 hindi pa magagamit sa mga susunod na taon was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882