Aabot sa limampung (50) Maranao ang nasa lungsod ng Calbayog sa Samar.
Ayon kay Calbayog City Acting Police Chief, Superintendent Mateo Macale, lumikas ang mga ito sa Marawi City nang sumiklab ang gulo doon noong Mayo 23.
Ipinabatid ni Macale na isinailalim sa profiling ang mga naturang bakwit para maging basehan nila sa pagmonitor sa galaw nila sa lungsod.
Bagaman hindi kaduda-dua ang kilos ng mga Maranao na dumating sa Calbayog, inalam aniya nila kung bakit sa kanilang lungsod ang pinili ng mga ito na pansamantalang manirahan.
Sinasabing may mga kamag-anakan na mga Muslim ang mga Maranao na bakwit na kasalukuyang nanunuluyan at nagne-negosyo sa Calbayog.
- Meann Tanbio