Aabot sa 50 migrante, karamihan ay mga pakistani, ang pinangangambahang nalunod matapos ang panibagong pagtatangka na pagtawid ng mga ito mula West Africa patungo sa Canary Islands sa Spain.
Ayon sa Moroccan authorities, 36 katao ang kanilang na-rescue mula sa bangkang umalis ng Mauritania at may sakay na mahigit 80 pasahero.
Sinasabing halos dalawang linggong nanatili sa karagatan ang mga migrante bago nakarating ang rescuers.
Sinabi ng Spain Maritime Rescue na huli na nila nalaman ang insidente matapos matanggap ang ulat ng migrant rights group kaugnay sa nagka-problemang bangka, ngunit hindi makumpirmang ito ang kaparehong bangka. – Sa panulat ni Laica Cuevas