Halos 600,000 health workers ang hindi pa bakunado ng second booster laban sa COVID-19 mula sa tinatayang 1.2 milyon.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), aabot naman sa 603,000 individuals sa A1 population o mga healthcare worker ang nakatanggap na ng pangalawang boosters dose.
Magugunitang mayroon nang second booster shot para sa nasabing populasyon simula pa noong Mayo.
Gayunman, aminado ang DOH na wala pa ring rekomendasyon na palawigin ang second booster immunization para sa general population. —sa panulat ni Jenn Patrolla