Halos 49% ng pamilyang Pilipino o 12.6 million households ang inilarawan ang kanilang sarili bilang “mahirap”, ayon sa pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.
Nasa 29% ang kinokonsidera ang kanilang sarili bilang borderline poor, na inilarawan ng SWS bilang “horizontal line dividing poor and Not Poor,” habang ang 21% ay niraranggo ang kanilang sarili bilang hindi mahirap.
Ang naturang survey ay nagkaroon ng 1% increase mula sa isinagawang survey noong Hunyo dahil sa bahagyang pagtaas ng porsiyento sa Visayas, Metro Manila, at Mindanao, na sinamahan ng steady percentage mula sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.
Ipinakita rin ng survey na ang mga pamilyang itinuturing ang kanilang sarili bilang “food-poor” ay nasa 34%, “borderline food-poor” sa 38% at ang natitira ay “not food-poor.”
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 indibidwal edad 18 pataas. – sa panulat ni Hannah Oledan