Maaari nang makauwi ang nasa halos 50 pamilya na lumikas mula sa kanilang mga tahanan na malapit sa bulkang Bulusan matapos itong malinis.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nakatanggap umano ang evacuees mula sa bayan ng juban ng mga food packs, hygiene items at inuming tubig mula sa mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon aniya payapa na ang sitwasyon ng bulkan kung saan wala nang naitalang naganap na major eruption activity.
Batay sa inisyal na pagsusuri ani Timbal, aabot na sa P20M halaga ng pinsala sa agrikultura.