Aabot sa 50 pamilya sa Pasay City ang nawalan ng tirahan matapos ang sunog kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), 13 bahay ang naapektuhan ng sunog na naganap sa Dimasalang Street, Barangay 113.
Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog at umakyat sa ikalawang alarma bago naapula dakong alas-8:15 kagabi.
Tinitignang anggulo ng BFP sa dahilan ng pagkalat ng apoy ang naiwanang nakasaksak na electric fan.
Wala namang nasawi o nasugatan habang tinaya sa 125,000 pesos ang halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian.