Nagkapit-bisig ang halos 500 investors sa buong mundo para igiit sa mga pamahalaan na gumawa ng nagkakaisang aksyon laban sa climate change.
Isang bukas na liham para sa Governments of the World ang ipinalathala ng mga investors na humahawak sa mahigit $34-Trillion na assets sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nakasaad sa bukas na liham na dapat bilisan ng mga gobyerno sa buong mundo ang magpapasya kung ano ang dapat gawing aksyon upang maipatupad ang Paris Agreement Target.
Matatatandaan na noong 2015, halos 200 mga bansa ang nagkasundo sa Paris na limitahan ang sa 1.5 °C ang pagtaas ng temperatura dahil sa gas emission.
Itinaon ng investors ang paglabas ng kanilang bukas na liham para sa G20 Summit sa Japan sa June 28 at 29 kung saan magpupulong ang 20 pinakamalalaking ekonomiya sa mundo.