Pumalo sa halos 500 klase ang nasuspinde dahil sa bagyong Karding.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Mayorya sa mga nagsuspinde ng klase ay mula sa CALABARZON o katumbas ng 142 klase, sumunod ang CAR na may 77, MIMAROPA na may 73, Region 1 na may 67, Region 5 na nasa 59, Region 2 na nasa 58, at Region 3 na nasa 12.
Iniulat din ng NDRRMC na 328 tanggapan ng pamahalaan ang nagsuspinde ng trabaho dahil sa masamang lagay ng panahon.
Nagpaalala muli ang NDRRMC sa publiko na mag-ingat at makinig sa abiso ng kanilang mga lokal na pamahalaan. – sa panulat ni Hannah Oledan