Nakatakdang buksan ang 3 bike lanes sa National Capital Region, Cebu at Davao ngayong buwan.
Ito ay matapos na makumpleto ng Department of Transportation, sa pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways ang 497 kilometrong bike lane sa nasabing mga lugar.
Sa NCR, nalagyan na ng pavement marking, separator at mga signage ang 313 kilometrong bike lane na nagkakahalaga ng P801.8 million.
Natapos na rin ang 129 kilometrong pavement marking, physical separator at road signage sa Metro Cebu na umabot naman sa P150 million.
Gayundin ang 55 kilometrong bike lane sa Metro Davao na pinondohan ng p145.3 million.
Ang naturang proyekto ay nasa ilalim ng bayanihan bike lane networks project. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico