Aabot sa halos 500 pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa bagyong Jolina.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, kaninang alas-4:00 ng madaling araw ay aabot sa 412 na pasahero sa Tabaco Port ang hindi nakabiyahe, 8 sa Virac, Catanduanes, 49 sa San Andres, Catanduanes, 4 sa Paracao, Camarines Sur at 21 sa Vinzons, Camarines Norte.
Hindi rin pinayagang makapaglayag ang 14 na sea vessels, 2 motor banca at 50 rolling cargoes.
AR / DWIZ 882