Halos 500 pasahero ang nananatiling stranded sa mga pantalan sa Northern Samar bunsod ng tropical depression Amang.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), tanging dalawang pantalan lamang ang ginagamit ng mga pasahero sa nasabing lalawigan pauwi sa Luzon.
Samantala, hindi narin pinapayagan ng PCG maging ang pagpalaot ng mga mangingisda at paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat upang maiwasan ang insidente dulot ng masamang panahon.
Sa ngayon, naghahanda na ang lokal na pamahalaan sa northern samar kabilang na ang ipapamahaging food packs sa mga maaapektuhang residente sakaling lumala ang epekto ng bagyo.