Halos nasa limang libo (5,000) na ang naaresto sa Cambodia dalawang buwan makaraang ilunsad doon ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga.
Ngunit ayon kay Cambodian Prime Minister Hun Sen, hindi tulad sa Pilipinas na siyang pinagbatayan ng mga hakbang, hindi aniya madugo ang kanilang kampaniya.
Sa hiwalay na pahayag ni Cambodian Deputy Prime Minister Ke Kim Yan, tinatayang nasa labindalawang libo (12,000) ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga sa kanilang bansa ngunit posible pa aniya itong mas marami kumpara sa inaasahan.
Agad dinala sa mga rehablitiation centers ang mga nahuhuling drug suspek sa nasabing bansa na mariing kinukondena ng mga human rights group.
By Jaymark Dagala