Nasa 4,800 barangay na ang nalilinis ng gobyerno mula sa iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency Director General Isidro Lapeña, idineklara ng oversight committee on barangay drug-clearing program na drug free ang mga barangay na ito matapos makumpirmang wala na roong drug pusher, user at anumang klase ng transkasyon ng iligal na droga.
Target aniya ng mga awtoridad na linisin mula sa droga ang nasa 5,200 barangay sa bansa bago matapos ang 2017.
Sa kasalukuyan aniya, nasa 20,000 barangay pa sa bansa ang apektado ng droga.
Nangunguna ang Metro Manila sa rehiyon na may pinakamaraming barangay na apektado ng bawal na gamot habang Cordillera Region naman ang rehiyon na pinakahindi apektado ng droga.
By Jonathan Andal (Patrol 31)