Umabot na sa halos 5,000 pasahero ang na stranded sa mga pantalan sa Visayas at Bicol Region dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Urduja.
Batay sa report ng Philippine Coast Guard o PCG, pinakamaraming stranded sa Port of Matnog na may 3,000 stranded na pasahero at mahigit 300 rolling cargo ang hindi pinayagang maglayag.
Sa kabuuan, umabot sa 647 rolling vessels ang hindi nakabiyahe kabilang ang 37 rolling cargoes at 22 motorbanca.
Inabisuhan ng Coast Guard ang lahat ng kanilang unit na mahigpit na ipatupad ang Memorandum Circular No. 0213 o ang guidelines sa pagbibiyahe ng mga sasakyang pandagat tuwing may sama ng panahon.
—-