Sa gustong matutong magsulat at magsalita ng ibang wika, may alok ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na hanggang 5,000 scholarship para sa mga manggagawa.
Ayon kay Rosanna Urdaneta, Deputy Director General for Policies and Planning ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, sa halos 5,000 scholarship na ipamimigay ng TESDA, puwedeng mamili sa mga kursong English, Japanese, Mandarin, Arabic, Spanish, Russian, German, at Bahasa.
Prayoridad ng ahensya ang mga OFW o Overseas Filipino Workers at pati na rin ang mga nagtatrabaho sa Pilipinas.
Nabatid na “first-come, first-served basis” ang scholarship at para maka-avail nito, kailangang Pilipino ang aplikante, hindi bababa sa 18 taong gulang at high school graduate.
Puwede ring mag-register online sa website ng TESDA na www.tesda.gov.ph at hintayin ang kanilang text o tawag.
—-