Aabot sa halos 500,000 drivers ang nawalan ng hanapbuhay sa enhanced community quarantine.
Sa Metro Manila pa lamang, nasa 30,000 taxi units ang apektado, samantalang 35,000 naman sa transport network vehicle service (TNVS).
Idagdag dito ang nasa 45,000 riders ng motorcycle taxis.
Samantala, nasa 20,000 bus ang nakarehistro sa buong bansa, 5,000 dito ang nag-ooperate sa Metro Manila.
Ang “King of the Road” na jeepney ay umaabot sa 250,000 sa buong bansa –mahigit sa 50,000 rito ang nasa Metro Manila.
Samantala, 300,000 naman ang rehistradong tricycle sa National Capital Region.