Dumating na sa bansa ang 487,200 doses ng bakunang gawa ng AstraZeneca.
Pasado alas-7 ng gabi nang lumapag sa NAIA ang eroplano ng KLM Royal Dutch Airlines dala-dala ang libu-libong doses ng bakuna kontra COVID-19.
Mababatid na ang naturang bakunang dumating ng bansa ay nagmula sa Covax Facility ng WHO.
Sa ngayon, ito na ang ikalawang batch ng COVID-19 vaccines na dumating sa bansa para sa vaccination program ng pamahalaan.