Pumalo na sa halos 50,000 estudyanteng Pilipino ang nag-aaral sa ibang bansa.
Ito ang lumabas sa datos na kinalap ng International Education Specialists Philippines, isang global education consultant para sa mga nais na mag-aral sa ibang kapuluan.
Batay sa datos, nanguna ang Autralia at Canada sa mga bansang piniling puntahan para mag-aral.
Sinundan ito ng United States, United Kingdom, Japan at New Zealand.
Dahilan ng mga Pinoy kung bakit piniling magtungo sa ibang bansa ay dahil sa maayos na kalidad ng edukasyon doon at mas magandang oportunidad sa trabaho.