Pumalo na sa 549 ang bilang ng mga naitalang nasawi sa malawakang pagbaha sa Pakistan.
Ito na ang pinakamalalang pagbaha sa lugar sa loob ng tatlong dekada.
Ayon sa mga awtoridad ang lalawigan ng Balochistan ang pinakanapuruhan ng kalamidad, kaya’t umaapela na ang Lokal na Pamahalaan ng karagdagang pondo sa International Organizations.
Apektado na rin ng food shortage ang bawat distritong tinamaan ng pagbaha.
Batay sa datos ng National Disaster Management Authority (NDMA), mahigit 46,000 na kabahayan ang napinsala dahil sa pagbaha.
Sinabi naman ni Prime Minister Shehbaz Sharif na ginagawa nila ang lahat upang matulungan ang mga flood victim.