Nasa mahigit 25,000 o halos 57% ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang bumalik na sa in-person learning, sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang pagharap sa Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People, ipinabatid ni Education Secretary Leonor Briones na inaasahan nilang halos anim na milyon pang public school students sa lahat ng grade levels ay makikiisa sa face to face classes.
Ang nasabing bilang aniya ay mahigit 25% pa lamang ng halos 24 million total enrollees sa public school sector sa kasalukuyang academic year.
Gayunman, sa kabila nito, sinabi ni Briones na nananatiling hamon sa DepEd ang halos 700 o halos 6% lamang ng kabuuang bilang ng private schools ang nagsimula nang mag face-to-face classes.