Patuloy na sinisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapauwi sa mga susunod na linggo ang halos 5,000 Pilipino na nasa ibang bansa.
Ipinabatid mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na nakikipag-ugnayan na ang DFA sa ibat ibang foreign service posts para sa repatriation ng mga Pilipino dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ng pangulo na mahigpit ang pakikipag ugnayan ng DFA sa World Health Organization (WHO) at foreign governments para matiyak ang napapanahong pagpapalitan ng mga impormasyon tulad ng estado ng mga Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic, at probisyon ng mga kinakailangang ayuda at pangangasiwa para sa ligtas na repatriation ng mga ito.
Ayon pa sa pangulo, nasa 1,806 na Pilipino ang natulungan ng DFA na makauwi ng bansa matapos maapektuhan ng COVID-19 pandemic.