Umabot sa halos limang milyong videos ang binura ng tiktok sa kanilang platform sa huling quarter ng 2024 dahil sa paglabag sa community guidelines.
Ayon sa Tiktok, 4.85 million videos ang kanilang inalis dahil sa paglabag sa polisiya nito na may kaugnayan sa “sensitivity” at “mature themes”; gayundin dahil sa pag-regulate ng mga ibinebentang produkto at commercial activities.
Dagdag pa ng social media giant na 99.6% ng mga nasabing video ay binura “proactively” o agarang inalis.
Hindi rin anila pinahihintulutan ang pagpapakalat ng misinformation na maaaring makaapekto sa mga indibidwal o komunidad.
Binigyang-diin ng Tiktok na kanila ring binubura ang mga account na paulit-ulit na lumalabag sa kanilang mga polisiya.