Patuloy ang crack down operations ng Presidential Anti-Organized Crime Commission sa natitirang halos 60 hanggang 200 POGO sa bansa.
Mahigit dalawang buwan ito matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. Ang total POGO ban.
Ayon kay PAOCC Spokesman Winston Casio, marami pa silang natatanggap na ulat sa patuloy na operasyon ng mga iligal na POGO, kaya’t binabalaan anila ang mga ito katuwang ang Department of Justice na dapat ay matapos na ito ngayong linggo at administrative task na lamang ang gawin bago matapos ang taon.
Kabilang sa mga admin task na ito ang pagsasaayos ng mga bayarin sa DOLE, B.I.R, at mga separation pay sa kanilang mga empleyado kung mayroon man.