Sumampa na sa 57 ang nasawi sa patuloy na bakbakan ng militar at Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu.
Kabilang sa pinakabagong fatality ang 15 bandidong napatay sa engkwentro sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Tipo-Tipo Basilan.
Ayon kay Maj. Filemon Tan Jr., Spokesman, AFP-Western Mindanao Command, ang pagkamatay ng 15 ASG member ay resulta ng pinaigting na pambobomba at ground sa Barangay Baguindan.
Kabilang naman sa nasugatan ang siyam na sundalo mula sa 8th Scout Ranger Company, 14th Scout Ranger Company at 64th Infantry Battalion.
Samantala, hindi pa mabatid ng militar ang kasalukuyang sitwasyon ng mga nalalabing bihag ng Abu Sayyaf na kinabibilangan ng ilang dayuhan.
By Drew Nacino