Sumampa na sa limampu’t pito (57) ang patay habang tinatayang isandaan dalawampung (120) iba pa ang nasugtan sa panibagong suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa Afghan Public Health Ministry, tinarget ng suicide bomber ang mga sibilyan na abala sa pagkuha ng mga national identification card para sa parliamentary elections sa Oktubre.
Agad namang inako ng Islamic State ang pag-atake bilang ganti sa mga tumitiwalag sa mga aral ng Islam.
Samantala, lima ang patay habang apat ang sugatan nang madaanan ng isang sasakyan ang isang roadside bomb sa Baghlan Province.
Hindi pa malinaw kung ang grupong ISIS o Taliban ang nagtanim ng nasabing pampasabog.
—-