Nakapagtala ang Department of Health ng 591 ng bagong kaso ng Covid-19 kaya pumalo na sa 4,064,443 ang total caseload.
Batay sa datos ng DOH noong Sabado, bumababa ang bilang mga aktibong kaso sa 13,497 mula sa 13,822 na naitala noong Biyernes.
Umakyat sa 3,985,561 ang gumaling mula sa sakit habang tumaas sa 65,385 ang death toll.
May pinakamataas pa rin na bilang ng mga kaso ang National Capital Region na may 3,459 sa nakalipas na dalawang linggo.
Sinundan naman ito ng CALABARZON na may 1,613, Central Luzon; 796, Western Visayas; 420 at Ilocos Region na may 319. —sa panulat ni Jenn Patrolla