Aabot sa 581 personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipapakalat malapit sa mga paaralan para sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operations Chief Bong Nebrija, nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase.
Bahagi rin aniya ng preparasyon ang pagsasagawa ng misting, fogging, at clearing operations sa paligid ng mga paaralan.
Una rito, sinabi ng MMDA na muli nitong ipatutupad ang “Number Coding Scheme” sa Metro Manila simula sa Agosto 15, mula ala-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga, at ala-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi bilang paghahanda sa face-to-face classes ng mga estudyante.