Nasampulan ang halos 600 motorista sa unang araw ng mahigpit na pagpapatupad ng yellow o bus lane sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Bong Nebrija operations supervisor ng MMDA, hindi pa man natatapos ang buong araw ay nasa 585 na ang nahuli ng traffic constables ng MMDA.
Kabilang umano sa kanilang mga hinuli ay mga lumabag sa number coding scheme at letter coding sa mga bus.
Kapansin-pansin din na bumilis ang daloy ng mga sasakyan sa Guadalupe, Makati City na itinuturing na choke point ng EDSA lalo na tuwing rush hour.
Tiniyak din ni Nebrija na wala silang sisinuhin o sasantuhin maging mga opisyal man ito ng gobyerno o alagad ng batas.