Lumarga na ang pagbabakuna ng booster shots para sa mga medical frontliners na sumasagupa sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni Administrative to COVID-19 Operations Task Force Commander at Deputy Chief PNP for Administration P/LtG. Joselito Vera Cruz.
Sinabi ni Vera Cruz na mula sa 591 na mga medical worker na nakabase sa Kampo Crame na nabigyan ng booster shots, 178 dito ang a Police Commissioned Officer, 309 ang Police Non-Commissioned Officer, 99 ang Non Uniformed Personnel at 5 ang sibilyan.
Sa kasalukuyan, mayruong 1,392 fully vaccinated personnel ang PNP Health Service na nasa A1 category subalit 1,242 lamang dito ang nag signify para mabigyan ng booster shot.
Ngayong araw (November 23) ibinahagi ang Pfizer vaccine booster shot sa kanilang mga medical workers para makumpleto ang 666 doses na ibinigay ng Department of Health (DOH) sa PNP.
Labis naman ang pasasalamat ni Vera Cruz sa DOH dahil sa paglalaan nito ng alokasyong bakuna para sa kanilang mga health frontliner para sa kanilang dagdag proteksyon mula sa COVID-19. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)