Iginiit ng health department halos 600 pagamutan na sa bansa ang walang na-aadmit na pasyente na tinamaan ng covid-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, katumbas ito ng halos 50% ng mga ospital sa bansa.
Sa 65 pagamutan sa bansa, 49 dito ang walang naitalang kaso na dinapuan ng virus.
Samantala, patuloy namang nananawagan ang kagawaran sa publiko na kahit na patuloy na bumababa ang kaso ng virus sa bansa, ugaliin umano na sundin ang mga ipinatutupad na safety protocols ng pamahalaan.